Ang tagal kong hinitay 'to! mga 1 year, kasi last year pa ko dapat bibili kaso walang stock sa mga stores na napagtanungan ko. Buti na lang sa SM-North Edsa meron. eto yung store kung saan ko nabili. Mababait mga sales clerk dito.
P4250 ang presyo ng Flare, kasi sinamahan nila ng back cover, worth P250. Pwede na yun kesa naman mamuti ang mata mo kung saan ka makakabili ng P3999 na Flare. Meron din silang terms kung credit card ang gagamitin mo. Bale merong pang 3/6/at 12 months. Bale papatak na lang sa P400 plus yung monthly mo sa loob ng isang taon.
Nga pala para dun sa mga nagtatanong bakit nagblog ako para sa Flare, kasi gusto kong ipost dito ang mga latest development sa Flare, mga malalaman, mga maaaral, mga magagawa at kung anu-ano pang pwedeng i blog. Napansin ko lang kasi na karamihan sa blog eh Ingles habang marami namang mambabasa sa Filipino, kaya naisipan kong bumuo ng blog gamit ang taal nating salita.
Ito ang pinaka una kong shot gamit ang flare ko. Bale fifth floor ito sa annex.Ito naman ang picture ng sis ko na bumili din ng flare nya.
mukhang masaya din naman sya. hahaha. at syempre nung nagutom na kami kumain kami ng masarap na sizzling.
well, maganda ang mga shots, syempre nasa kumukuha, pagpasensyahan nyo na ko, tutal akin naman tong blog na to!
Sya nga pala, kinunan kami ng clerk na nag assists sa amin ng buong ningning, eto yun...
Hanggang sa susunod.
magkitakita uli tayo!
God bless you!




No comments:
Post a Comment